DAYUHANG MANGINGISDA SA BAYAN NG DINALUNGAN, INIREREKLAMO

Inirereklamo ng mga residenteng mangingisda sa Barangay Mapalad, Dinalungan ang mga illegal na dayuhang mangingisda mula sa kalapit na Bayan ng Casiguran. Aurora

Ayon sa isang miyembro ng mangingisda sa lugar, matagal na nilang problema ang mga dayuhang mangingisda sa kanilang nasasakupang pangisdaan.

Kamakailan lamang nakahuli umano sila ng gumagamit ng Dinamita at Flouter na mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing Bayan.

Ang pangingisda ay isa sa kanilang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay na sumasapat lamang kanila.

Panawagan nila sa kinauukulan o responsible sa ganitong sularanin na mahigpit na bantayan at bawalan ang mga dayuhang magigisda. (George Balbero)

Comments