GOVERNOR NOVERAS LUBOS ANG PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat sa lahat ng nagging bahagi ng kanyang paglilingkod at pagtupad sa tungkulin mula ng siya’y mag-upisa noong 2007 hanggang sa pagtatapos ng kanyang ikalawang termino noong Hunyo 30, 2013 bilang Bise Gobernador.

Ito ang pinahayag ni Gov. Atty. Gerardo ‘Gerry” A. Noveras sa kanyang panunumpa bilang Gobernor ng lalawigan ng Aurora, kahapon na isinagawa sa Capitol Ground, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Sa kanyang talupati, hiniling ni Noveras ang suporta ng kanyang Bise Gobernador Rommel Angara at ni Cong. Bellaflor Angara-Castillo, ganoon din ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan at lahat ng mga Punong Bayan, at ng taong bayan na suportahan ang kanyang panunungkulan. Lubos din niyang pinasalamatan ang pagsuporta ng kanyang asawa, mga anak, mga kapatid, magulang at mga kaibigan.

Nang tanungin ni Noveras kung mayroon ayaw sumuporta sa kanyang panunungkulan, ni-isa walang nagpahayag ng pagtutol sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay.

Ayon kay Noveras, bukas aniya ang kanyang administrasyon sa lahat ng sektor, sa kanilang pangangailangan. 

Bukas din aniya ang kanyang panunungkulan na tumanggap ng ano mang suhestiyon at mga panukala na magpapaunlad sa Aurora, upang maipagpatuloy niya ang kaunlaran na kasalukuyang tinatamasa ng lalawigan. 

Ayon pa kay Noveras ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa  illegal na droga at loteng, at mga iba pang illegal sa sugal, ganoon din ang mga gawain na sumisira sa kalikasan katulad ng logging at pagmimina. (Arnel M. Turzar)

Comments