Grupo ng International Solidarity Mission, nag-courtesy call kay Gov. Noveras

Nagtungo sa Kapitolyo ng Aurora ang grupo ng International Solidarity Mission (ISM), nag-Courtesy Call kay Governor Gerardo Noveras kahapon, Hulyo 15, 2013.

Dakong ala-1:30 ng hapon dumating sa Kapitolyo ang grupo mula sa iba’t ibang  Bansa at sa labas ng lalawigan.

Sa pakikipag-usap kay Noveras layunin ng grupo na malaman nito ang pakay ng ISM na isasagawa sa bayan ng Casiguran upang magsagawa ng imbestigasyon sa loob ng proyektong Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority sa Bayan ng Casiguran, Aurora. Dahil sa umanoy may mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao, at demolisyon  sa loob ng economic zone.

Ngayong araw magsisimula ang kanilang misyon sa mga Barangay ng Dibet, Esteves at Barangay Bianoan sa Bayan ng Casiguran na magtatagal hanggang bukas Hulyo 17, 2013.

Bukod sa ecozone magkakaroon din sila ng imbestigasyon sa pamamaslang kay Romualdo “ka Waldo” Palispis, na pinaslang noong Hunyo 30, 2012 sa bayan ng Maria Aurora, Aurora at kay Willem Geertman na pinaslang namang noong Hulyo 3, 2012 sa San Fernando, Pampanga. (Arnel M. Turzar)

Comments