HINDI BINIGYAN NG KARNE, BINARIL SA BAYAN NG CASIGURAN, AURORA

Sugatan ang isang lalaki makaraang itoy tambangan at barilinsa Bayan ng casiguran, Aurora.
Ang biktima ay kinilalang si Ruben Alipio Sr., 70 taong gulang at residente ng Barangay 01 Poblacion sa nasabing Bayan.

Samantala, kinilala naman ng Casiguran PNP ang suspek na si Edizon Alcantary y Curbadura, 52 taong gulang, residente ng Barangay 02 Poblacion sa lugar na kung saan dito isinagawa ang pananambang.

Ayon sa impormasyong nakalap ng CMN News kay SPO1 Regie Espaňa, nangyari ang insidente noong araw ng linggo ganap na ika-5:00 ng madaling araw habang patungo ang biktima sa palengke lulan ng kanyang tricycle kolong-kolong.

Ayon sa biktima, ugali umano ni Curbadura ang manghingi ng karne sa kanya subalit nang hindi niya ito napagbigyan, nagalit angsuspek at tinambangan siya.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa kaliwang braso si Ruben.  Aga namang didinala sa pagamutan sa Cabanatuan City ay malapatan ng kaukulang lunas at tangalin ang baling calibre 9mm.

Agad namang nadakip ng mga element ng Casiguran Police ang suspek at ngayon ay nakakulong na sa panlalawigang piitan sa kasong Attempted Murder. (George Balbero)

Comments