Ilang bahagi ng lansangan sa Dingalan, inapawan ng tubig

Inapawan ng tubig at hindi madaanan ng maliliit na sasakayan ang mabababang pahagi ng kalsada sa Barangay Umiray sa Bayan ng Dingalan, Aurora dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.

Maging ang ginagawang tulay sa Umiray ay naaantala dahil sa paglaki ng tubig sa ilog at madalas maanod ang tambak ng buhangin na ginagamit sa konstraksyon.

Ito umano ay matagal nang suliraning ng mga mamamayan sa lugar tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, nananawagan ang mga apektadong residente na sanay aksyunan naman daw ng lokal na pamahalaan ng Dingalan ang suliraning ito upang hindi anila mabalam ang daloy ng transportasyon at kalakalan sa naturang lugar. (Arnel M. Turzar/Danny Astrera)

Comments