ILANG SPILL WAY SA DINGALAN ANG HINDI MADAANAN DAHIL SA PAG-APAW NG TUBIG

Idinadaing ng mga motorista at kumyuters sa bayan ng Dingalan partikular ng mga residente sa Barangay Umiray at Barangay Ibuna ang hindi maayos na kundisyon ng daan lalo na ng mga spill ways na inaapawan na ng tubig at halos hindi na umano madaanan ng maliliit na sasakyan, katulad nalamang umano ng mga spill ways sa Sitio Bakalan at Sitio Yapit sa  Barangay Umaniray at Barangay Ibuna, bunsod ng ilang araw ng pagbuhos ng ulan.

Ayon kay Kon. Selbert Astrera ng Barangay Umiray, umaapaw na ang tubig sa ibabaw ng mga naturang spill way’s dahil natabunan na ng buhangin ang mga box culvert sa mga naturang tulay.

Ganito rin umano ang suliranin sa Barangay Butas na Bato kung saan umapaw narin sa kalsada ang tubig mula sa sapa dahilan sa nabarahan na ng buhangin ang imburnal sa Sitio Amutan sa naturang Barangay.

Dahil dito, nananawagan ang mga apektadong residente na sanay aksyunan naman daw ng lokal na pamahalaan ng Dingalan ang suliraning ito upang hindi anila mabalam ang daloy ng transportasyon at kalakalan sa naturang lugar. (Rey S. Fernando)

Comments