Isyu ng illegal logging sa Barangay Dicapinisan, San Luis, Aurora, siniyasat ng Media at NGO’s

Talamak parin umano ang pamumutol ng punong kahoy sa Barangay Dicapinisan, San Luis, Aurora. Ayon ito sa mga nasyunal at lokal na media kasama ang JPAG, Blue Falcon at Save Sierra Madre Network Alliance  na nagtungo sa lugar noong linggo, Hulyo 21, 2013.

Ayon sa grupo inabutan nila ang maraming sako ng uling at tambak na mga kahoy sa lugar ng kanilang tingnan ang aktuwal na nangyayari sa lugar.

Layunin nang kanilang pagtungo sa lugar upang siyasatin ang patuloy na pamumutol ng mga punong kahoy.

Ayon sa ilang residente sa lugar, nagagawa nila ang pagkakaingin dahil ito umano ang pandagdag sa kanilang hanapbuhay sa kabila ng pinaiigting ang pagbabawal ng pagpuputol ng kahoy sa kabundukan alinsunod sa pinag-uutos ng batas sa ilalim ng Executive Order No. 23 o Logging Moratorium ni Pangulong Benigno Aquino III.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng CENRO-Dingalan sa pangunguna ni CENRO Officer Manuel Sebial laban sa mga illegal logging activities sa naturang lugar. (Marlon Padua)

Comments