KALINISAN AT KAAYUSAN SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN NG MARIA AURORA, PRAYURIDAD NI MAYOR AMADO GENETA

Kalinisan at kaayusan ng Pampublikong pamilihan ang isa sa mga prayuridad ni Mayor Amado Geneta ng Maria Aurora, Aurora.

Ayon kay Geneta ipagbabawal na ang pagpaparking ng mga sasakyang sa gilid ng mga kalsada sa tapat ng pamilihan mula alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

Nais ni Geneta na maging maluwag ang lansangan sa palikid ng public market lalo na sa araw ng Linggo at public market day.

Ilalagay narin sa tamang oras ang paglalabas ng mga basura ng mga manininda para mapanatili ang kalinisan sa paligid ng palengke.

Ipagbabawal narin ang mga nagtitinda ng isda sa Barangay 01 ng nasabing bayan. Sila ay palilipatin na sa Fish section ng naturang palengke. 

Ayon kay Geneta ginagawa niya ang ganitong programa para maingganyo at dumami pa ang mga investor na magtinda sa kanyang nasasakupang bayan. (Guiller Necesito)

Comments