Lansangan sa barangay Umiray, hindi parin nadaanan kahapon

Hindi parin nakadaan ang ano mang uri ng sasakyan kahapon ng maghapon dahil sa pag-apaw ng tubig sa mga spill way sa Barangay Umiray, Dingalan, Aurora.

Maging ang mabababang bahagi ng kalsada dito ay hindi rin kayang madaanan ng maliliit na sasakyan.

Ayon sa ilang residente sa lugar, halos dalawang araw na walang tigil ang pagbuhos ng ulan sa bayan ng Dingalan simula noong araw ng lunes hanggang kahapon ng maghapon.

Ito anila ang matagal nang suliranin sa kanilang lugar tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan. (Arnel M. Turzar/Danny Astrera)

Comments