MAAGANG PANUNUMBALIK NG DALOY NG KURYENTA, BUNSOD NG MABILIS NA PAG-SASAAYOS NG NGCP

Higit sa inaasahang, mas maaga ng kulang sa apat na oras ang panunumbalik ng serbisyo ng kuryente sa lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija partikular sa prangkisa ng Aurelco at NEECO II.

Ang maagang panunumbalik ng daloy ng kuryenta ay bunsod umano sa mabilis na pag-sasaayos ng mga tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP (sa linya ng kanilang transisyon line) sa bahagi ng 69KV Transmission line.

Una nang inabiso ng NGCP ang dalawang araw na  brownout sa Aurelco at NEECO II, na nagsimula noong Huwebes at Biyernes mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Ngunit dahil sa mabilis na pag-sasaayos ng linya maagang naibalik ng NGCP ang serbisyo sa daloy ng kuryente. (Rey S. Fernando)

Comments