Magulang ng pasyente, nagpasalamat sa pamunuan ng AMH

Lubos ang pasasalamat ni Ginang Margie Dela Peňa ng Barangay Buhangin Baler, Aurora sa pamunuan ng Aurora Memorial Hospital partikular kay Doctor Gante sa pagsusumikap nila na mailigtas ang buhay ng anak ni Ginang Dela Peňa.

Ang anak ni ginang Dela Peňa ay naging biktima ng sakit na Dengue at naiconfined ng halos isang linggo sa nasabing pagamutan. Dumating ang punto na kailangan ilipat sa ibang pagamutan sa labas ng lalawigan ang biktima, subalit sa kawalan ng pera ang single parent ng pasyente, nagmagandang loob ang mga doctor ng pasyente at ginawa nila ang lahat ng paraan para mailigtas ang buhay ng bata, sa puntong ito hindi na inilipat ng ibang hospital ang anak ni ginang Dela Peňa at ito ay napagaling ng mga manggagamot ng nasabing pagamutan.

Malakas at masigla na ngayong pumapasok sa paaralan ang bata at lubos na nagpasalamat ang kanyang pamilya. (Arnel M. Turzar)

Comments