MAYOR SA BAYAN NG CASIGURAN AT SAN LUIS, NANUMPA KAY NOVERAS

Kasabay ng panunumpa sa tungkulin ni Vice Governor Rommel Angara at ng 8 Bukal sa una at ikalawang distrito ng Aurora, nanumpa kay Gov. Gerardo Noveras sina Casiguran Mayor Ricky Bitong at San Luis Mayor Annabelle Tangson, noong Hunyo 30, 2013 sa Capitol Ground, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Unang  nanumpa si Vive Gov. Angara at sinundan ito ng mga Bukal at ni Mayor Tangson ng San Luis, at ni Mayor Bitong ng Casiguran.

Sa kanyang pahayag, naniniwala si  Vice Govenor Rommel Angara na ang pulitikal ay nasa panahon lamang ng kampanyahan, sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng Sangguniang Panlalawigan inaasahan niya ang pagkakaisa ng kanyang mga bukal sa pagbuo ng magagandang programa at panukala.

Susuportahan din aniya ang lahat ng mga programang pangkaunlaran na isusulong ni bagong Governor Noveras para sa tuloy tuloy na progreso para sa kapakanan ng mga mamamayan dito sa lalawigan ng Aurora.(Arnel M. Turzar)

Comments