MCC Baler Higher Education Department, sumailalim sa Drug Awareness symposium.

Sama-samang nakinig at nakiisa ang mga mag-aaral mula sa Higher Education Department ng Mount Carmel College Baler, Aurora sa isinagawang symposium kaugnay sa Drug Awareness noong nakaraang biyernes, Hulyo 26, 2013 na ginanap sa Covered Court ng nasabing paaralan.

Dakong alas-sais ng gabi nagsimula ang naturang programa sa pangunguna ng pagtanggap ni Mr. Mariano Quiñones at ang panimulang pananalita ni PhD. Rowel Olila ng College Affairs Office. Sa ilalim ng temang “Global Action for Healthy Communities Without Drugs”.

Sinabi ni Quiñones hindi lamang halaga na malaman ng mga Carmelian ang epekto ng droga sa kalusugan ng mga taong gumagamit nito at sa pamayanan, bagkus bilang bahagi ng Katolikong paaralan mahalaga ang papel ng mga ito sa pag-iwas sa paggamit ng droga at ang responsibilidad sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot sa lipunan.

Sinabi naman ni Olila na mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng tao, panatilihin ang siguridad lalo na sa Emmotionaly, Spirituality at Physically na siyang bumubuo sa buhay ng tao bilang mabuti at masayang pamiliyang Pilipino.

Bago magsimula at matapos ang symposium nagsagawa muna ng film viewing na may kaugnayan parin sa paksa. Pormal ding inanunsyo ang mga nanalong departamento sa isinagawang kompetisyon ng Documentary video, painting, slogan at Photo judging na may kaugnayan parin sa drugs awareness noong Huwebes Hulyo 25, 2013.

Naging panauhing tagapagsalita si Mrs. Eleonor Olivar mula sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Ipinaliwanag ni Olivar sa mga mag-aaral ang nakasaad sa Republic Act 6425, mas kilala sa tawag na "Dangerous Drug Act", at ang mga kaukulang multa at parusa na maaaring ipataw sa mga taong gumagamit, nagtutulak at nagbebenta ng droga. Tinalakay din ni Olivar ang mga sakit na dulot ng paggamit ng droga. 

Dahil dito, payo ni Olivar sa bawat isa lalo ang mga kabataan na makiisa at makisangkot na lamang sa mga gawaing pang pamayanan kaysa gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Dagdag pa niya, dapat tiyakin na ang lahat ng mga produktong pagkain na binibili ay pasado at dumaan sa Bureau of Food and Drug para masigurong ligtas ang mga ito. (Arnel M. Turzar)

Comments