MGA OPISYAL NG DIPACULAO NANUMPA NA SA KANILANG TUNGKULIN

Nanumpa na sa kanilang tungkulin ang mga halal na opisyal ng Bayang ng Dipaculao, Aurora noong Hunyo 28, 2013.

Pinangasiwaan ni Congresswomen Billaflor Angara-Castillo ang panunumpa ng mga dati at bagong halal na konsehal, vice mayor at mayor sa naturang Bayan.

Unang pinanumpa sa tungkulin ni Cong. Angara-Castillo ang mga konsehales, pangalawa ay si vice mayor Tessie Obillo at ang muling nahalal na mayor na si Reynante Tolentino.

Matapos ang panunumpa ay isa-isang nagpasalamat ng mga ito sa kanilang mga kababayan na patuloy na tumatangkilik sa kanila.

Ang Oath Taking Ceremony ay dinaluhan ng mga kawani ng LGU Dipaculao, mga Barangay Official at ilang mamamayan.

Nagging saksi at panauhin din sa naturang okasyon si Vice Governor Romel Angara at Board member Danilo Tolentino.

Ang State of the Municipal Address naman ni Mayor Tolentino ay isasagawa ngayong Lunes kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Sanguniang Bayan ng Dipaculao.

Ayon kay Tolentino, nakasentro aniya sa agrikultura, imprastraktura at turismo ang kanyang mga programa sa kanyang huling termino bilang Punong Bayan ng Dipaculao. (Rey S. Fernando)

Comments