MOTIBO NG PAMAMARIL SA ISANG LALAKI, INAALAM PA

Nakalugmok na sa balkunahe ng kanilang bahay si Mario Reyes Jr., 54 taong gulang, residente ng Sitio Cabituculan, Barangay Reserva, Baler, Aurora nang makita ng kanyang asawa na naliligo  na sa sariling nitong dugo matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nikikilalang salarin noong Hulyo 11, 2013.

Sa panayam ng CMN News kay Ginang Leonila, asawa ng biktima, matapos umano nilang manood ng TV ng kanyang asawa at naghahanda na silang matulog ng marinig nilang nagkakahulan ang mga aso sa kanilang bakuran.

Bumaba umano ang kanyang asawa upang tingnan kung sino ang tinatahulan ng mga aso, ilang saglit pa ay nakarinig ito ng isang putok, kasunod umano ang sigaw ng asawa na ito ay binaril, makaraan nito’y sunod-sunod pang mga putok ang umalingawngaw.

Ayon naman sa anak ng biktima sa si Eerson Reyes na siya ring nagdala sa ama sa hospital, nailarawan pa umano sa kanya ng kanyang ama ang itsura ng suspek, ito aniya ay maliit na lalaki, mataba at maitim. (Rey S. Fernando)

Comments