MOTORSIKLO SUMEMPLANG, GINANG PATAY SA BAYAN NG SAN LUIS

Patay ang isang ginang makaraang ito’y maaksidente sa Bayan ng San Luis, Aurora.

Ang biktima ay kinilalang si Helen Virrey y Aguilar,45 taong gulang, dalaga, at residente ng Barangay Nonong Sr., San Luis, Aurora.

Ayon sa impormasyong nakalap ng CMN News kay SPO3 Sonny Montes ng San Luis Police Station,lumabas sa kanilang isinagawang imbetigasyon, ganap na ika-10:00 ng gabi noong Hulyo 01, 2013 naganap ang insidente habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng National Highway sa naturang lugar lulan ng kanyang motorsiklo. Mabilis umano ang pataktakbo ng biktima, nawalan ito ng kontrol kaya’t ito ay sumemplang na siyangnaging kamatayan Virrey. 

Agad namang naidinala sa Premiere General Hospital ang biktima, subalit idineklara ng attending physician na ito ay dead on arrival. (George Balbero)

Comments