OIC ng Baler at Dipaculao PNP, Bago na.

Pormal nang umupo bilang bagong Acting Chief of Police ng Baler PNP si P/SINS George Calauad nitong Miyerkules, Hulyo 17, 2013.

Pinalitan nito si dating Acting Chief of Police ng Baler PNP na si P/SINS. Noel Palmero.
Si Calauad ay nanggaling sa Casiguran PNP Station.

Sa isang simpleng turn-over ceremony na ginawa noong Miyerkules sa himpilan ng Baler PNP sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora, inihayag ni Calauad na limitado lamang kanyang kapangyarihan bilang pinuno ng pulisya subalit gagawin niya ang kanyang tungkulin.

Hiningi rin ng opisyal ang tulong at suporta ng mga miyembro ng PNP sa naturang bayan at sa taong bayan upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan upang makamit ang kaayusan. 

Samantala, kasabay nito pormal naring umupo bilang bagong Acting Chief of Police ng Dipaculao PNP si P/SINS Bayani Balbuena. Pinalitan nito si dating Acting Chief of Police na si P/INS. Michael Amio. (Arnel M. Turzar)

Comments