Pag-uuling sa bayan ng Dingalan, mahigpit ng ipagbabawal.

Patuloy parin ang mahigpit na kampanya ng DENR-CENRO Dingalan laban sa ilegal na pagpuputol ng puno sa kabundukan gayun din ng pag-uuling, ito ang nilinaw ni G. Manuel Sebial.

Ang naturang kampanya ayon kay Sebial ay kaugnay parin ng programa ng nasyunal na greening program.

Ayon pa kay Sebial nakapag-ugnayan narin ito sa mga Barangay Captain’s ng Dingalan, gayundin sa bayan ng San Luis, Aurora upang hilingin ang kooperasyon ng mga ito na ipatupad ang Executive Order No. 26 sa kani-kanilang nasasakupan.

Sumulat narin ani Sebial ang kanyang tanggapan sa isang kumpanya ng Bus na bumibiyahe ng Umiray-Dingalan patungo ng Cabanatuan City na huwag na silang magsasakay ng uling upang mapigilan na ang talamak na pag-uuling partikular na sa Barangay ng Umiray. (Rey S. Fernando)

Comments