PAGGUNITA SA IKA ISANG TAONG PAGKAPASLANG KAY KA WILLEM GEERTMAN

Katarungan para kay ka Willem Geertman at sa iba pang biktima ng Political Killing, ito ang sigaw at panawagan sa simula hanggang matapos ang paggunita sa unang taon na pagkakapaslang kay Geertman, kahapon sa Bayan ng Baler, Aurora.

Bago ang Misa, nagkaroong muna sa labas ng Simbahan ng photo exhibit na nagpapaalala sa buhay ni Geertman, at video presentation sa loob.

Dakong alas-3:00 ng hapon nagsimula ang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Sanny Quijada sa Parokya ni San Luis Obispo na dinaluhan ng iba’t ibang Sektor at samahan sa Aurora katulad ng Justice and Peace Action Group ng Aurora, Bataris Formation Center, Panlalawigang Alyansa ng mga Magbubukid sa Aurora, KALINGA/AKAP at taong Simbahan. Dito kasamang pinanalangin maliban kay Geertman sina Joey Estriber na dinukot sa Bayan ng Baler, Romualdo Palispis na pinaslang sa Maria Aurora, Jose Buendia na binaril sa Bayan ng Dingalan at iba pa na kapwa biktima umano ng Political Killing o Disaparasidos.

Sa homeliya, sinabi ni Fr. Quijada na ang buwan ng Hulyo ay panahon ng pag-aalay ng sarili katulad ng pagsunod ni Willem sa nais ng Panginoon na maglingkod sa bayan, inalay ang sarili para sa sambayanan, nagbuwis ng buhay na dapat ipagpatuloy.

Matapos ang Banal na pagdiriwang, sama samang naglakad ang mga nakiisa patungo sa Baler Cemetery. Dito inalayan si Geetman ng mga awit na pinamagatang “Papel ng Teyolohiya, at Pag-ibig sa tinubuang lupa”, habang sinisindihan ang kandila kasabay ang pag-aalay ng  Panalangin at bulaklak. 

Si Geertman, Dutch missionary, Director ng Alay Bayan Luzon Inc. (ABI), ay pinaslang binaril ng dalawang kalalakihan noong Hulyo 03, 2012 sa harapan mismo ng kanilang tanggapan sa Talabastagan Village, San Fernando, Pampanga. (Arnel M. Turzar)

Comments