Pamunuan ng Hospital sa bayan ng Casiguran, nagpaliwanag sa mabagal na serbisyo

Nagpaliwanag ang pamunuan ng Casiguran District Hospital dahil sa umanoy kakulangan at mabagal na serbisyo sa mga pasyente ng naturang pagamutan.

Aminado si Dr. Roel Rioflorido, Chief ng Casiguran District Hospital,  na malaki ang umano kakulangan ng pagamutan, kulang umano sila sa doktor at mga kagamitan na pangunahing pangangailangan ng mga pasyente na nagmumula sa bayan ng Dilasag, Casiguran at Dinalungan.

Dahil sa umanoy marami ang ipinapasok na pasyente sa nasabing hospital araw-araw, hindi aniya kayang asikasuhin sabay-sabay ng naturang pagamutan.

Kasabay nito nananawagan si Dr. Rioflorido sa kagawaran ng kalusugan at sa Pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailangan upang maging maayos at maging sapat ang serbisyo ng kanyang pinamumunuang pagamutan. (George Balbero/Arnel M. Turzar)

Comments