Patubig ng NIA sa Casiguran, lubos na pinasalamatan ng magsasaka.

Lubos ang pasasalamat ng mga sasaka sa bayan ng Casiguran, Aurora partikular sa Barangay Tinib sa proyektong patubig ng National Irrigation Administration.

Madadaluyan na ng tubing ang mga sakahang na dati ay umaasa lamang sa mahinang suplay ng tubig dahil sa mga linya ng kanal na hindi nakakarating sa ibang bahagi ng sakahan.

Dahil sa isinasagawang irrigation kanal ng NIA maiibsan na rin ang kanilang suliraning na nagiging hadlang sa magandang ani ng magsasaka sa hilagang Aurora.

Kasabay nito hinihiling din ng iba pang mga magsasaka na ipagpatuloy ang  ganitong mga proyektong patubig sa ibang lugar para lumakas ang produkyon sa palay na siyang pangunahing produkto at nagsusuplay ng bigas sa Aurora sa mga kalapit na lalawigan. (Arnel M. Turzar)

Comments