PRESYO NG GULAY BAGUIO SA BALER PUBLIC MARKET, BUMABA

Bumaba ang presyo ng gulay baguio  sa pamilihang bayan ng Baler, Aurora gaya ng repolyo, Carrots, Beans at Patatas na dating 50 hanggang 70 pesos ngayon ay nagkakahalaga nalamang ito ng 40 hanggang 60 pesos ang kada kilo.
 
Nananatili naman ang presyo ng bawang, sibuyas at luya sa halagang 50 hanggang 80 pesos ang kada kilo.

Nagkakahalaga naman ng 20 hanggang 50 pesos kada kilo ang iba pang gulay katulad ng sayote, pipino, labanos, talong at ampalaya.

Naglalaro naman ang presyo ng Pambansang butil o bigas sa halagang 28 hanggang 40 ang kada kilo.

Ang presyo naman ng isdang bangus ay naglalaro sa 120 hanggang 140 pesos, habang nasa 80 hanggang 180 naman ang isdang dagat depende sa klase.

Wala namang pagbabago  sa presyo ng karneng manok na nagkakahalaga ng 150 hanggang 160, ganoon din sa karneng baboy na nasa 150 hanggang 190, samantalang naglalaro sa 130 hanggang 190 ang karneng baka. (Arnel M. Turzar)

Comments