Presyo ng gulay sa palengke ng Baler, tumaas, ang iba naman bumaba.

Tumaas ng 10 piso ang presyo ng gulay sa pampublikong pamilihan ng bayan ng Baler, Aurora katulad ng Kerots na dating P50 ngayon ay P60 na, at ang sibuyas na dati ay P60 tumaas ito ng hanggang P70.

Bumaba naman ng 10 piso ang repolyo na dating P40 ang kada kilo ngayon ay P30 nalang, ganoon din ang patatas na dating P60 bumaba ito ng hanggang P50, at ang ampalaya na dati ay P50 ngayon nasa 40 nalang.

Nagkakahalaga ng P20 hanggang 60 ang gulay katulad ng Sayote, Ampalaya, talong, labanos, Beans, petsay baguio at pipino.

Wala panamang pagbabago sa presyo ng Pambansang butil o bigas na naglalaro parin sa halagang P28 hanggang P40 ang kada kilo. Nagkakahalaga naman ng P55 ang presyo ng bigas na malagkit.

Hindi rin nagbago ang presyo ng isdang dagat na naglalaro sa halagang P80 hanggang P180 per kilo, ganoon din ang tilapia na P110 ang presyo habang P120 hanggang P140 ang isdang bangos.

Naglalaro naman sa P130 – P190 ang karneng baka, P150-P190 naman ang karneng baboy, at P150-P160 naman sa karneng manok. (Arnel M. Turzar)

Comments