Presyo ng petrolyo sa bayan ng Baler, tumaas sa ikalawang pagkakataon.

Nagpatupad narin ng dagdag sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng gasolina sa lalawigan ng Aurora partikular sa bayan ng Baler. Bunsod umano ito ng pagsirit ng presyo ng mga pangunahing kumpanya ng lagis sa bansa noong Huwebes , Hulyo 18, 2013 ng umaga.

Nagdagdag ng 0.70 sentimos kada litro ang idinagdag na presyo sa Diesel habang nasa P1.60 naman ang Unleaded at Premium na gasolona at piso sa kerosene. Ikalawang pagtaas na ito sa buwan ng Hulyo.

P51.87 kada litro ang kasalukuyang umiiral na presyo ng Diesel, habang naglalaro naman sa halagang P53.26 hanggang P54.28 ang presyo ng Kerosene.

Naglalaro naman sa halagang P57.56 hanggang P58.68 ang presyo ng Unleaded at Premium na gasolina habang naglalaro naman sa halagang P54.95 hanggang P56.06 ang regular na gasolina.

Samantala, may napipintong panibagong pagtataas ng produktong petrolyo ngayong linggo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Posibleng madagdagan na naman ng 25¢ hanggang 75¢ ang presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene. (Arnel M. Turzar)

Comments