PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO SA AURORA, TUMAAS

Sumunod naring magpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng petrolyo sa Aurora partikular sa Bayan ng Baler makaraang tumaas ang presyo sa ilang kumpanya ng langis sa bansa noong Martes.

Muling nagpatupad ng P0.45 kada litrong increase sa presyo ng diesel habang P0.60 sa gasoline at P0.40 naman sa kerosene.

Ang kasalukuyang umiiral na presyo ng Diesel ay naglalaro sa halagang P50.98 hanggang P51.16 habang nasa P52.28 hanggang P53.28 ang kerosene.

Naglalaro naman sa P55.78 hanggang P57.00 ang presyo ng Unleaded at Premium na gasoline habang nasa P54.20 hanggang P55.95 ang regular na gasolina. (Arnel M. Turzar)

Comments