Presyo ng produktong petrolyo sa bayan ng Baler, may pagbabago nanaman

Bumaba ang Presyo ng produktong petrolyo sa bayan ng Baler, Aurora ng halos piso sa Premium at Unleaded na gasolina habang tumaas naman ng 0.35 sentimos ang Diesel at 0.50 sentimos naman ang dinagdag sa presyo ng Kerosene at Regular na gasolina.

Naglalaro ngayon sa halagang P51.97 hanggang P52.22 kada litro ang umiiral na presyo ng Diesel habang nasa P53.78 hanggang P56.05 ang Kerosene at Regular na gasolina.

Naglalaro naman sa halagang P57.28 hanggang P58.98 kada litro ang presyo ng Unleaded at Premium gasoline. (Arnel M. Turzar)

Comments