SB NG DIPACULAO, NAKUMPLETO SA UNANG PAGKAKATAON

Nag-paabot ng lubos na pasasalamat si Dipaculao Municipal Mayor Reynante A. Tolentino sa lahat ng kanyang kababayan, sa sumuporta sa huling pagkakataon ibinigay sa kanya bilang alkalde ng naturang Bayan.

Sa kanyang inaugural address na nagsilbi ring ulat sa bayan kasabay ng pagbubukas ng unang session ng sangguniang bayan kahapon, sinabi ni tolentino na pangunahing programa nya sa kanyang huling termino ay nakasentro sa agrikultura, imprastraktura at turismo.

Ayondito, kailangan ang agarang pagpapatupad ng mga programang ito upang mapabilis ang patuloy na pag-angat ng kanilang bayan.
Masaya ng naturang  inaugural session ng sangguniang Bayan ng dipaculao nasa kauna-unahang pagkakataon ay nakumpleto mulasa Mayor, Vice Mayor at 8 konsehales.

Kinakitaan ang bawat isa dito ng kagalakan sa pagkat wala ng maituturing na absent sa unang araw ng sesyon ng sangguniang Bayan na Dipaculao. (Arnel M. Turzar)

Comments