Sinampahan ng reklamo sa Ombudsman si Kapitan Bernalte ng Barangay Obligacion, Baler, Aurora

Pormal ng naisampa sa tanggapan ng Ombudsman Manila ang reklamo ng 24 na katao na di umano ay niloko sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho  ng anim (6) na araw bilang Job Order subalit kahit ni kusing ay hindi umano naka suweldo ang mga ito.

Ang mga nagsampa ng reklamo ay pawang residente ng Barangay Obligacion, Baler, Aurora. Samantalang ang kanila namang inireklamo ay si kapitan Domino Bernalte.

Ayon sa pinagsama-samang sinumpaang salaysay ng mga complainant inalok umano sila ni Bernalte na magtrabaho ng anim na araw na pagtatrabaho ay hindi naman sila Nakatanggap ng suweldo.

Kaugnay nito, sinubukan ng CMN News na kunin sa ikalawang pagkakataon ang panig ni kapitan Bernante ngunit wala itong naging tugon sa kahilingan ng CMN News. (Rey S. Fernando)

Comments