SME Roving Academy, ilulunsad ng DTI Aurora

Ilulunsad ng Department of Trade and Industry o DTI ang Small and Medium Enterprise SME Roving Academy sa darating na ika-23 ng Hulyo sa bayan ng Baler, Aurora sapakikipagkaisa ng Provincial Micro Small and Medium Enterprise Development Council (PSMEDC), Pamahalaang panlalawigan ng Aurora (PGA), Private Entities and Micro and Small Enterprises (MSMEs). 

Ang ilulunsad na programa ay bahagi ng mga gawain ng DTI sa pagdiriwang ng SME week ngayong buwan ng Hulyo 2013. Ang programa ay naglalayong mapataas ang kaalaman sa pagnenegosyo ng micro, small and medium enterprise (MSMEs) sa nasyunal at lokal na merkado.

Pangunahing makikinabang sa naturang programa ang malilit na negosyante upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga ito sa pagpapatakbo ng negosyo at pagtataguyod sa lokal at provincial level. (Arnel M. Turzar)

Comments