SME Roving Academy, ilulunsad ng DTI ngayong araw

Nakatakda ngayong araw  na ilunsad ng Department of Trade and Industry III – Aurora Province Office ang Small and Medium Enterprise (SME) Roving Academy sa bayan ng Baler, Aurora sapakikipagkaisa ng Provincial Micro Small and Medium Enterprise Development Council (PSMEDC), Pamahalaang panlalawigan ng Aurora (PGA), Private Entities and Micro and Small Enterprises (MSMEs). 

Ang ilulunsad na programa ay bahagi ng mga gawain ng DTI sa pagdiriwang ng SME week ngayong buwan ng Hulyo 2013. Ang programa ay naglalayong mapataas ang kaalaman sa pagnenegosyo ng micro, small and medium enterprise (MSMEs) sa nasyunal at lokal na merkado.

Pangunahing makikinabang sa naturang programa ang maliliit na negosyante upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga ito sa pagpapatakbo ng negosyo at pagtataguyod sa lokal at provincial level. 

Magiging panauhin sa naturang gawain sina Aurora Governor Gerardo Noveras, Director Judith Angeles, OIC-RD, DTI 3 at si Provincial Director Edna D. Dizon ng DTI-Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments