Sumailalim sa Leadership Seminar ang SBO ng paaralang Mount Carmel College Baler, Aurora

Sumailalim sa dalawang araw na Leadership Seminar ang may 47 mag-aaral sa Higher Department ng Mount Carmel College Baler, Aurora na ginanap sa Bataris Formation Center kamakailan. 

Ang pag-sasanay ay dinaluhan ng iba’t ibang pinuno mula sa Departmental level hanggang Executive level na pinangunahan ni Student Body Organization President Eiron De Guia katuwan ang kanyang mga opisyal.

Ayon kay De Guia, layunin ng ganitong pag-aaral ay upang mahubog ang bawat estudiyante sa pagdedesisyon ng tama at pamamalakad ng isang organisasyon na may diwang Karmelyan. Na kung saan ang tema ay Effective Leadership: A Tool For Development and Transformation of Individual Towards Responsibility.

Dito nagkaroon ng Team Building Activity ang mga partisipante sa pangunguna ni Mrs. Eloisa Talosa at kanya ring tinalakay ang Conflict Management and Dialect. Tinalakay naman ni Mrs. Socoro Novicio ang Group Facilitation and process. Pinangunahan naman ni Mr. Mariano Quinones ang pagtatalakay sa usapin na may kaugnayan sa Liberating Leadership o Christian leadership ganoon din ang Decision Making na ibinahagi naman ni Mrs. Cleo Barawi.

Layunin din nito na paunlarin ang katangian at potensyal ng bawat mag-aaral bilang pinuno ng paaralan kung saan bago matapos ang training ay nagkakaroon ng transformation sa bawat isa. 

Inaasahan na ang natutunan ng mga dumalo sa nasabing pagsasanay ay magiging epektibo sa loob ng kanilang paaralan at maibahagi pa ito sa mas maraming mag-aaral. (Arnel M. Turzar)

Comments