SYMPOSIUM NA MAY KINALAMAN SA ANTI-HAZING LAW, BAHAGI NG PCR MONTH NG PNP SA DILASAG


Matagumpay ang isinagawang Symposium kaugnay sa Anti-Hazing law ng Dilasag PNP noong Martes, Hulyo 9, 2013 sa Diagyan National High School bilang bahagi sa pagsasakatuparan ng Police Community Relation Month o PCRM ngayong buwan ng Hulyo sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 764.

Ganap na ika-9:00 ng umaga nagsimula ang programa at natapos ito dakong alas-onse ng umaga noong araw ding iyon na pinangunahan ni P/INS Dennis Balbuena sampo ng kanyang mga kapulisan.

Dito ipinaliwanag ng polisya ang puwedeng kahihinatnan kung sakaling sumali sa fraternity o brotherhood ang mga kabataang nasa murang edad. Hinihikayat din ng naturang ahensya na sumama o sumali nalamang ang mga kabataan sa mga programa at aktibidad ng paaralan at Barangay na kanilang kinapapalooban kaysa sa mga samahang wala namang magandang kahihinatnan.

Ang symposium ay dinaluhan ng mga magulang, DSWD, mga guro sa pangunguna ng kanilang Punong Guro.

Ang naturang programa ay may temang “Serbisyong Makatotohanan at Matatag na Ugnayan ng Pambansang Polisya at Mamamayan Tungo sa Matuwid na Daan.

Ang ganitong gawain ay taun-taon isinasagawa hindilamang sa Bayan ng Dilasag at Lalawigan ng Aurora kundi sabay-sabay itong  ipinagdiriwang sa buong Bansa. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments