TREE PLANTING SA BALER CENTRAL SCHOOL, BAHAGI NG PCRM

Sama-samang nagtanim ng punong Nara kahapon (Hulyo 4) sa Baler Central School ang mga mag-aaral sa ika-anim na antas  at mga guro sa pangunguna ni Punong Guro II Avelardo Aquino  at ang Baler Philippine National Police sa pangunguna ni P/INS Maynard Pascual sa patnubay ni PSI Noel Palmero sampo ng kanyang mga kapulisan bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Police Community Relation Month o PCRM ngayong Hulyo sa ilalim ng Presidential Proclamation No.764 .

Ang naturang programa ay may temang “Serbisyong Makatotohanan at Matatag na Ugnayan ng Pampansang Pulisya at Mamamayan Tungo sa Tuwid na Daan”.

Ganap na ika-8:00 ng umaga nagsimula ang pagtatanim at natapos ito hanggang alas-10:00 ng umaga.

Ang ganitong gawain ay taun-taon isinasagawa hindi lamang sa Bayan ng Baler at Lalawigan ng Aurora kundi sabay sabay itong  ipinagdiriwang sa buong Bansa. (Arnel M. Turzar)

Comments