Tulay Dicaloyongan, maghapon hindi nadaanan

Naputol at maghapong hindi nadaanan ang pansamantalang tulay sa Sitio Dicaloyongan, Barangay Zabali, Baler, Aurora kahapon, Hulyo 30, 2013.

Madaling araw palamang nasira na ang pansamantalang tuloy, dahil sa pagragasa ng malakas na tubig sa ilog. Na-washout ang tambak na buhangin at inanod ang mga imbornal na nagsisilbing daanan ng tubig.

Sinubukan itong kumpunihin subalit dahil malakas pa ang agos ng tubig kaya hindi naging madali ang pagsasaayos nito.

Maghapon ding walang pasok ang paaralan ng Aurora State College of Technology na nakabase sa Barangay Zabali dahil sa pagkaputol ng tulay na nag-uugnay patungo sa nasabing paaralan. Ayon sa mga mag-aaral ng ASCOT, nanggagaling umano ang karamihang mag-aaral ay nagmumula sa bayan ng Baler. (Arnel M. Turzar)

Comments