Water Search and Rescue simulation exercise, sisimulan ngayong araw sa bayan ng Baler.

Magsisilbing host ang lalawigan sa idaraos na ikalimang Water Search and Rescue (WASAR) simulation exercise simula ngayong araw ng biyernes ika-26 hanggang ika-29 ng Hulyo sa AMCO Beach Resort, Barangay Sabang, bayan ng Baler kung saan makikibahagi ang mga rescue teams mula sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Luzon.

Ito ay bilang paghahanda ng Aurora Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pagsagip ng mga maaapektuhan ngayong panahon nang tag-ulan kung saan target nila ang zero casualty.

Sinabi ni Aurora PDDRM Officer Amado Elson Egargue na “in place” na ang mga contingency measures ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at maging opisina ng mga pambansang ahensya na nakabase sa probinsya.

Sinanay na rin aniya ang mga residente malapit sa karagatang asipiko
at sa mga bahaing lugar sa mga dapat gawin sa panahon na mag bagyo o malakas na pag-ulan. 

Kasabay nito inaanyayahan ng PDRRMO ang lahat na makiisa at saksihan ang nasabing gawain. (Arnel M. Turzar)

Comments