WHELLCHAIR, SAKLAY AT BASTON, IPINAMAHAGI SA MGA PWD NG DIPACULAO, AURORA

Nakatanggap ng Wheelchair, Saklay at tungkod ang ilang Person with disability o PWD’s sa Bayan ng Dipaculao, Aurora noong Lunes.

Ito ay matapos mamigay ng kahalintulad na mga kagamitan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2013 National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration Program na ay temang “Building  an Inclusive and Non-Handicapping Environment  for Person with Disability”.

Ang pamamahagi ay isinagawa  sa harapan ng Pamahalaang tanggapan ng Dipaculao matapos ang  flag raising noong  Hulyo 8, 2013 na pinangunahan ni butihing Mayor Reynante Tolentino Sr. ang pamimigay sa mga mamamayan na may kapansanan.
 
Isang matanda at isang bata ang unang nabahaginan ng Wheelchair  at kasunod na naipamigay ang mga saklay sa iba pang may mga kapansanan sa mga Barangay ng Salay, Dianed, Dimabuno, Maligaya at Barangay Gupa. (Eddie Rebueno)

Comments