Zero casualty, target ng Aurora PDRRMO

Inihayag Provincial Risk Reduction Management Office na target nito ang ‘zero casualty ‘ sa panahon ng bagyo at maging sa pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Sinabi ni Amado Elson A. Egargue, ang Executive Officer ng Provincial PDRRMC, na pinaghahandaan na ng mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ang ‘contingency measure ‘ sa mga kalamidad.

Patuloy ang kanilang isisnasagawang pagbibigay ng pag-sasanay at kaalaman sa mga lugar na madalas daanan ng kalamidad kaugnay ng misyong ‘zero casualty’ sa panahon ng tag-ulan lalo na kapag nananalasa ang bagyo.

Binigyang diin ng ahensya na bagaman imposible ang ‘zero casualty’ ay mas mabuti na ang nakahanda upang mabawasan at maiwasan ang mga biktima ng trahedya ng kalamidad.

Naka-pokus ito sa disaster preparedness program ng pamahalaan kung saan karaniwan na ang mga ito ang nangunguna sa mga biktima ng sakuna kapag malalakas ang mga pag-ulan dulot ng masamang lagay ng  panahon.

Samantalang magsasagawa ang naturang ahensya ng Water Search and Rescue (WASAR)  Training  sa darating na ika-26-29 ngayong buwan ng Hulyo sa Barangay Sabang, Baler Aurora. Kasabay nito inaanyayahan ang lahat na saksihan, akiisa sa nasabing pagsasanay. (Arnel M. Turzar)

Comments