171 kaso ng Dengue sa Aurora, naitala sa nakalipas na 3 buwan


Umabot ng 171 ang bilang ng nagkaroon ng sakit na dengue sa buong Aurora sa nakalipas na tatlong buwan, mula noong May 01 hanggang July 31, 2013.

Naitala ng Aurora Memorial Hospital ang 126 sa bayan ng Baler, 20 sa Maria Aurora, 11 sa San Luis, 13 sa Dipaculao at 1 sa bayan ng Casiguran.

Dahil dito, nauna nang Sinabi ni Provincial Health Officer ng Aurora Dr. Luisito Teh,   sa mga tiga Aurora na maglinis ng kapaligiran at huwag nang hintayin na masama sa mga nagkaroon ng Dengue, mahalaga aniya na maputol ang cycle ng lamok para hindi na ito dumami.

Ang mahalaga ani Teh ay maputol ang cycle ng lamok na nagdadala ng sakit at mapuputol lamang diumano ito kung maaalis ang itlugan ng mga salot na insekto.

Hindi rin iminumungkahi ng mangagamot ang paggamit ng fogging machine dahil hindi raw naman nakaipon sa isang lugar ang pinanggalingan ng mga pasyente at last resort lamang diumano ang paggamit nito.


Sa paglobo ng kaso ng Dengue sa Aurora, patuloy ang panawagan at kampanya ng mga otoridad sa kalusugan upang ipaalam ang mga paraan para maiwasan ang Dengue H-Fever gaya ng pag-aalis sa anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng mga lamok sa loob at labas ng bahay, paglalagay ng takip sa mga pinaglalagyan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok at pangingitlog dito ng mga lamok, regular na paglilinis ng mga alulod ng bahay, paggamit ng kulambo o insect repellant at iba pa. (Arnel M. Turzar/Raul Mendoza)

Comments