3 insidente ng pandurukot, naganap sa kasalukuyang pagdiriwang ng kapistahan ng Baler

Tatlong insidente ng pandurukot ang naganap kahapon (August 19) sa kasalukuyang pagdiriwang ng kapistahan ng  patron na si San Luis Obispo de Tolosa kasabay ang ika-404 na anibersayo ng pagkakatatag ng bayan ng Baler ganoon din ang paggunita ng ika-135 kaarawan ni Manuel Luis Quezon.

Unang nadukutan ng bag na naglalaman ng isang libong piso at cell phone sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa Simbahan ni San Luis Obispo Parish.

Ayon sa may ari ng bag na si Maria Luiza Mabana, residente ng Barangay Bakong, San Luis, Aurora, dakong alas-8:44 ng umaga habang ito ay nagsisimba, tumanggap umano siya ng Komyunyon at iniwan niya ang kanyang bag sa upuan, ngunit pagbalik ng biktima, wala na ang kanyang bag.

Natagpuan ang bag sa likurang bahagi ng paaralan ng Mount Carmel College, subalit wala na ang pera na pinaghihinalaang natangay ng hindi nakilalang mandurukot, hindi naman nawala ang Cell phone.

Dalawa naman ang nadukutan habang namimili sa baratilyo dakong alas-3:00 ng hapon. Natangay ng mga madurukot ang 3,000 piso mula kay Ginang Aurora Fernando, empleyado ng Aurora Memorial Hospital. 5,000 pisos naman ang nadukot sa isang residente ng Barangay Ditumabo, San Luis, Aurora na hindi na nagpakilala.

Babae umano ang responsible sa pandurukot sa mga ito. (Arnel M. Turzar)

Comments