Sakaling maaproban ang
tatlong draft ordinance na isinusulong sa bayan ng Maria Aurora, Aurora na
nagkaroong ng pampublikong pagdinig noong Agusto 6, 2013, ay ipagbabawal ang
paggamit at pagbebenta ng mga plastic
bag sa ilalalim ng draft ordinance “Regulating the use and sales of plastic bag,
Styrofoam and plastic cellophane”.
Ipagbabawal din ang
paninigarilyo sa naturang bayan sakaling maaproban ang ikalawang panukalang ordinansa
na sumailalim din sa pampublikong pagdinig ang “Comprehensive anti-smoking
ordinance of Maria Aurora”.
At ang ikatlo ay pagbabawal gayundin
ang pagbebenta ng bote-boteng gasolina, ito’y sa ilalim ng panukalang ordinansa
na “Ordinance Providing the Rules and Regulation Governance the Business of
repealing liquid petroleum product”.
Ang naturang Joint public
committee hearing ay pinangunahan ng committee on Rules, committee on
Environment at committee on Transportation.
Ito ay dinaluhan din
ng iba’t ibang sektor sa naturang bayan katulad ng transport group, business
group, at iba pang grupo tulad ng Non-Governmental Organization at People’s
Organization. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment