3,000 Relief Goods packs, ipinamahagi sa Casiguran ng Naval Forces Northern Luzon at ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation

Namahagi ng 3,000 Relief Goods packs at mga gamit ang Naval Forces Northern Luzon sa pangunguna ni Commander Levi Carane Katuwang ang ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation, Local Government Unit ng Casiguran sa pangunguna naman ni Casiguran Municipal Mayor Ricky Bitong, at Barangay Officials at iba’t-ibang Non-Governmental Organization, kahapon. 

Nagkaisa ang mga ito na mamigay ng tulong  sa mga Barangay sa Casiguran, Aurora  na higit na naapektohan ng ng bagyong labuyo upang maibsan ang epekto ng bagyo sa kanila.

Ayon kay Carane, maliban sa pamamahagi ng mga goods, ang Navy ay nagsasagawa rin ng assessment sa mga piling paaralan sa bayan ng Casiguran upang ito ay maiugnay sa mga NGO’s at iba pang Stakeholders para matulungan ang Department of Education at ang LGU upang abilis na maipagawa ang mga paaralan para manumbalik na ang pag-aaral ng mga kabataang mag-aaral at maging kaaya-aya sa kanila.

Sinabi pa ni Carane na nakipag-ugnayan narin ang Naval Construction Brigades sa Provincial Government ng Aurora at sa pamunuan ng Casiguran District Hospital para sa mabilis na pagsasaayos nito upang maibalik na ang normal operation ng nasabing pagamutan. (Arnel M. Turzar)

Comments