5 kalalakihan arestedo sa Police Buy-bust operation sa Baler

Arestado ang 5 limang kalalakihang suspek sa pagbebenta at paggamit ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Police Intelligence Branch at Baler PNP sa Ferreras/Mier Subdivision, Brgy. Suklayin, Baler, Aurora.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgar Cajucom Y’ Barribal, 36 na taong gulang, may asawa, Ferdinand Cajucom Y’ Barrival, 34 na taong gulang, ninata, at Jonathan Entienza Y’ Gudoy, 39 na taong gulang, may asawa, kapwa mga residente ng Brgy. Suklayin; Junetwelve Fontanilla Y’ Fuentes, 26 taong gulng, may asawa at Herminio dela Cruz Y’ Barrientos, 40 taong gulang, binata, caretaker ng piggery at poultry, kapawa residente ng Sumacab Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Baler PNP Chief of Police, P/Senior Inspector George C. Calauad Jr. naaresto ang mga ito sa loob ng bahay ni Edgard Cajucom sa barangay Suklayin.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165, o pagbebenta ng illegal na druga, sa Provincial Prosecutors Office.

Sinabi ni Calauad, walang piyansa sa kaso ni Edgar. Ito umano ay matagal nang na sa watch-list ng PNP at PDEA.

Kasalukuyan namang nasa Crime laboratory sa barangay Calabuanan ang mga na recovered na marked money na ginamit sa operation at ang isang heat-sealed plastic sachets may timbang na 0.02 grams na pinaniniwalaang shabu para sa laboratory examination. (Arnel M. Turzar)

Comments