5 Misa ang isinagawa sa kapistahan ni San Luis Obispo Parish

Limang misa ang isinagawa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Parokya ni San Luis Obispo kahapon kasabay ng ika-404 na anibersayo ng pagkakatatag ng bayan ng Baler.

Ginanap ang unang Banal na Misa ganap na ika-6:00 ng umaga, sumunod ika-8:00 at ika-10:00 ng umaga.

Alas:3:00 naman ng hapon nagsimula ang pang apat na Banal na Misa na pinangunhan ni Diocese of San Jose, Bishop Roberto Mallari, D.D, at ng Paring Lingkod ng Parokya na si Rev. Fr. Nilvon Co Villanueva kaisa ang mga Kaparian ng Valley-Ding at DiBiCaDi.

Matapos ang Misa ng alas-3:00 ng hapon, sinundan ito ng Prosisyon kay San Luis Obispo paikot sa kabayanan ng Baler.

Sumunod naman ang paghuling Misa sa Kapistahan ganap na ika-6:00 ng hapon. (Arnel M. Turzar)

Comments