6 na kalalakihan, hindi nakatago sa element ng Maria Aurora PNP

Anim na kalalakihan ang naaresto ng mga element ng Maria Aurora PNP habang nagpapatrolya ang mga ito sa pangunguna ni P/SINSP Victor Basil B. Morales noong lunes (August 12) habang kasagsagan ang pananalasa ng bayong labuyo.

Unang naaresto sa bayan ng Maria Aurora ang tatlong suspek na kinilalang sina Mark Digno y Montalba, 18 taong gulang at ang kapatid nitong 17 taong gulang, at Francis Hocson y Minar, 19 taong gulang. Sumunod na naaresto sa isinagawang follow-up operation sa barangay Pingit Baler, Aurora sina Hansdy Macaraeg y Lapano, 18 taong gulang, Recarte Barlis y Malinao, 23 taong gulang at John Aris Lumasac y Herman, 19 taong gulang, kapwa mga residente ng barangay Pingit, Baler, Aurora.

Ayon kay Morales, ang kanilang mga naaresto ay suspek at responsable umano sa mga insidenteng pagnanakaw ng mga hayop katulad ng kambing at baboy, at panloloob sa mga istablisyemento sa bayan ng Baler at Maria Aurora.

Dagdagpa ni Morales, direktiba ng kanilang himpilan na dakipin ang mga wanted person na may warrant of arrest sa kanilang tanggapan, sa lugar na kanilang nasasakupan sa Maria Aurora.

Walong (8) wanted person ang target nilang hulihin kada buwan. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments