8 taong nagtago sa batas, arwstado sa bayan ng Baler

Makalipas ang halos walang taong pagtatago sa batas naaresto na ang isang lalaki sa bayan ng baler dahil sa kaso nitong pagpatay noong taong 2005.

Sa pag-mamanman ng intelligence group ng PNP nakita ang suspek na si Rafael Camacho y Pimentel, 49 na taong gulang, residente ng barangay Suklayin, Baler, Aurora na malayang gumagala sa pamilihang bayan ng Baler.

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang Baler PNP sa pangunguna ni PO1 Alexander Virrey noong Lunes, August  para dakipin ang suspek, at agad naman itong nahuli.

Si Camacho ay nahaharap sa kasong pagpatay, at kasalukuyan na itong nakakulong sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments