Aurora PNP WASAR training, kasalukuyang isinasagawa.

Sumasailalim ngayon sa sampong araw na pagsasanay ng Water Search and Rescue (WASAR) ang ilang personel ng bawat istasyon ng PNP sa buong lalawigan ng Aurora.

Ang pagsasanay ay isinasagawa sa Camp Ravina sa Barangay Buhangin, Baler, Aurora na nagsimula noong Miyerkules at matatapos ito sa  Agusto 16, 2013.

Sinabi ni P/SINSP. Noel Palmero na ang layunin ng WASAR ay upang mapaghandaan ang makabisado ng mga kapulisan ang mga dapat gawin ng kanilang grupo sa panahon na may kalamidad. Dahil aniya hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang lalawigan ng Aurora ay madalas daanan ng bagyo at nakakaranas ng mga pagbaha.

Ang panauhing tagapagsanay sa WASAR ay ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng Aurora at ang Regional Police Service Battalion.

Nais ng mga ito ang malaman ang tamang pagliligtas ng mga biktima, tamang pagbibigay ng paunang lunas, at ang agarang pagtulong sa mga nangangailangan ng madaliang pagkalinga at pagdadala sa kanila sa pinaka malapit na pagamutan para sa agarang pagagamot. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments