A.V Mijares Elementary School, grand champion sa Street dancing competition

Tinanghal na grand champion sa patimpalak na indak sa kalye (Street dancing) ang A.V Mijares Elementary School at ang Aurora National High School kahapon na isinagawa sa liwasang bayan ng Baler, Aurora. Ito bilang bahagi parin ng pagdiriwang ng ika-404 na pagkakatatag ng bayan ng Baler.

Nakamit din ng A.V Mijares Elem. School ang best in Choreographer, Costume at best in parade.

Nakuha naman ng Calabuanan Elementary School  ang 1st runner-up at ang best in music.

Nag 2nd runner-up naman ang Reserva Elementary School. 3rd runner-up ang Baler Central School at nakuha din nito ang most of discipline award.

Nagkamit naman ng Consolation price ang M.L Sindac Integrated School at ang Obligacion Integrated School.

Bagamat walang katunggali, tinanghal ding grand champion ang Aurora National High School. (Arnel M. Turzar)

Comments