Baler to Casiguran Road, passable na

Passable na ang Baler to Casiguran road makaraang ito ay hindi madaanan ng halos dalawang araw dahil sa mga landslide at pagkasira ng ilang tulay na napinsala ng bagyong labuyo.

Ayon kay DPWH Aurora District Reynaldo Alconcel, dakong alas-3:00 ng hapon kahapon nabuksan ang naturang lansangan.

Bagamat passable na ito patuloy parin ang isinasagawang clearing operation ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highway. Kaya patuloy paring pinag-iingat ng ahensya ang lahat ng mga motoristang dadaan sa naturang lansangan. (Arnel M. Turzar)

Comments