Basurahan sa Langawan river, inirereklamo ng mga residente sa Dingalan

Inerereklamo pa rin ng mga residente na naninirahan malapit sa ilog Langawan sa bayan ng Dingalan ang patuloy na pagtatapon ng basura ng dump truck ng Bamahalaang Bayan.

Hindi lamang uamano ang baha ng basura ang maaaring makapagdulot ng karamdaman sa mga naninirahan malapit sa pinagtatapunan ng basura, kundi pati ang katas umano nito na umaagos sa tubig kung saan dito naliligo at naglalaba ang mga residente ng barangay Aplaya at kalapit na barangay.

Dagdag pa dito anila ang suliranin na kapag tumataas ang tubig sa ilog natatangay ang mga basura patungo sa dagat.

Nauna naring pinuna ng mga NGO’s na mapag malasakit sa Kalikasan ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ng munisipyo. Ito anila ay paglabag sa R.A 9003 o ang Solid Waste Management Act.

Ayon naman kay Dingalan Municipal Mayor Zenaida Padiernos, wala uano siyang magagawa sa naturang problema dahil wala aniyang ibang lugar na maaaring pagtapunan ng basura. (Rey S. Fernando)

Comments