Cabituculan West at East ng Maria Aurora, lumubog sa baha sa pag-apaw ng ilog

Lumubog sa tubig baha ang karamihang kabahayan at ang kahabaan ng lansangan ng mga barangay ng cabituculan east at west sa Maria Aurora sa kasagsagan ng halos tatlong araw na walang humpay na buhos ng ulan noong Huwebes, Hulyo 31, 2013.

Dahil doon,  umapaw ang ilog ng pakugao na nasa likurang bahagi ng mga kabuhayan sa naturang lugar at hindi bababa sa tatlumpong pamilya ang naapektohan.

Bagama’t hindi inaasahang magdudulot ng matinding pinsala ang naturang pagbaha, nagpahayag pa rin ng kahandaan ang pamunuan ni Cabituculan West Chairman Marcos sampu ng kanyang mga tauhan upang agad na tugunan ang pangangailangan ng kanyang mga kabarangay. 

Nauna nang iminungkahi ng pamunuan ni Chairman Marcos sakanyang mga kabarangay na inabutan ng baha na ilikas muna ang mga bata ngunit tumanggi ang mga ito. (Ronaldo A. Ramos)

Comments